Thursday, July 30, 2009

-->MANONG



Unang post. Gusto kong si MANONG ang unang maging bida sa blog ko. Nung nakita ko si Manong noong araw ng pagtatapos ng kuya ko, naawa talaga ako. Mainit ang panahon, pero sya ay nasa daan at naghahanap ng pangkain. Nang tumapat na sya sa sasakyan namin, kaming magkakapatid ay pare-parehong nagsabi na bigyan si MANONG ng biscuit na dala namin. Kung di ako nagkakamali, 3 biscuit ang aming ibinigay. Alam namin na di iyon sapat, pero makakapatid gutom na iyon. Naaawa talaga ako. Dahil sa maraming dahilan. *Matanda na sya, dapat ay nasa bahay na lang sya at nagpapahinga. *Isa sya sa mga taong naghihirap habang ang iba ay nagpapakasasa sa perang dapat ay ibahagi sa mga kapos-palad na katulad nya. *Walang sariling bahay. Grabe, habang nagta-type ako puro galit ang nararamdaman ko. Lalo na dahil biglang nag-commercial yung advertisement ni Villar. "...Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya? Tutulungan tayo para magkatrabaho at ang kanyang plano'y magka-bahay tayo. Si Villar ang TUNAY na MAHIRAP? Si Villar ang TUNAY na may MALASAKIT? Si Villar ang may kakayahan na gumawa ng sariling pangalan. Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan." Bakit kailangan pang maging pangulo para tumulong? Kung tunay nga syang galing sa hirap,kahit di sya maging presidente eh tumutulong na sya. Sa yaman nya? di nya kayang tulungan ang madaming taong nasa kalsada. Tsk tsk. Eniweys, mukhang napapalayo na ang sinasabi ko. Pero may pagkakatugma pa din. Dito na matatapos ang post na ito. God bless. :)