Monday, January 18, 2010

FAILED.. =c




Nagtataka siguro kayo kung ano ito? haha. Araw yan. Balak ko sanang kunan yung Eclipse nung last week. Pero di sya naging successful. Siguro, di ko naisip na kailangan ng tamang Lens para kunan yun. Sayang talaga. Pero ok lang. Naaliw naman ako dito sa shot na ito. Kasi para syang star na kumukuti-kutitap. Teka, kwento ko muna sa inyo. Kasi ganito yun. Edi nalaman ko sa balita (TV PATROL) na magkaka-Eclipse. Excited na ko. Hanggang sa sobrang ka-excitedan ko napanaginipan ko pa yung Eclipse na yun. Nakunan ko daw yung Eclipse ng maayos. At sobrang saya ko kasi nakunan ko. Biglang, nagising ako. Panaginip lang pala. At nung araw na talaga ng Eclipse, di ko pa alam yung exact time na magsisimula yung Eclipse. Kaya, tinanong ko muna sa mga kaibigan ko. Nag-group message ako para siguradong may sasagot sa tanong ko. After nun, may nagreply na 3 tao na nagsabi ng oras. Kung di ako nagkakamali sila ay sina ( Stella Sayco, Jhen Larrosa at Keye Dizon.) Kaya lang. Iba-iba sila ng sinabi. Kaya ako naman tong si excited, inabangan ko ang eclipse. Pasulyap-sulyap sa araw kahit walang pang-protekta sa mata. At nang makakita na ako ng shades eh tinitigan ko na ang araw. Una di ko pa masyadong mapansin. Pero after ilang minutes eh nahalata ko na din. Sa totoo lang manghang-mangha talaga ako. Lalo na, ako yung tipo ng taong madaling ma-amaze sa mga bagay na kamangha-mangha. (ano daw?) basta. Tulad na lng ng buwan at mga bituin sa langit. Ang ganda talaga. Hay, ang haba na ata ng sinabi ko. Hanggang dito na lang. Salamat sa pagbisita at pagbasa. God bless you all. Have a nice day. c=

No comments: