More Free Music at MP3-Codes.com
Saturday, January 23, 2010
More Free Music at MP3-Codes.com
Wednesday, January 20, 2010
ONE OF MY MOST MEMORABLE MOMENT.. =3
PORTU-08-09 .
noong English month. Book Parade Presentation. 6 days of rehearsing. TADAH..!! 1st placer pa kami. Siguro kung mas napaghandaan namin yun, ano pa ba edi kami na ang PINAKA-CHAMPION! haha. nanalo pa kami ng Best in Costume. (kahit from ukay-ukay lang.) haha. Saya nito Super. Kahit nawala ang ipon ko (+300), at di na nabalik. huhu. Atleast nanalo kami. Yun lang. Binida ko lang itong video na ito c= God bless.
P.S.
ako DIRECTOR nitong play na ito. HAHAHAHA.. (tawang kontrabida,)
Tuesday, January 19, 2010
Maaraw na araw. Ngayon,wala akong magawa. Kaya sa kagustuhan kong magkaroon ng laman tong blog kong ito, kinuha ko ang cam ko (cam pala ng ate ko.) at nagsimula akong kumuha ng litrato ng kahit ano. Kaya, ayan. Actually, napakaliwanag nyan nung kinunan ko yan,pero yan ang naging resulta. Ewan ko kung bakit. Siguro, wala pa talaga akong alam about sa PHOTOGRAPHY. Isa lang akong hamak na bata na gustong pumasok sa larangan ng PHOTOGRAPHY. (anong tagalog ng photography?) Pandagdag post lang para dumami ang laman ng blog ko. Sana tuloy-tuloy na itong kasipagan kong punan ng mga bagay ang blog na ito. At sana mas madami pa akong maisip na i-share sa inyo. Sige. Dito na lang. God bless. c=
P.S.
salamat sa mga bumibisitang katulad MO!
JR.
Kung titingnan mo yung mata nitong batang 'to, siguradong magagandahan kayo. Habang in-adjust q ang lens, sa mata nya lang ako nakatingin. Ang musmos na ito ay nangungusap gamit ang kanyang munting mga mata. Sabi nga namin sa kanya dito sa litratong ito para syang si Santino. Parehas silang maganda ang mata. Para sakin, kapag maganda ang mata ng isang tao, doon mo mas maliwanag na makikita ang nararamdan ng taong yun. Lalo na pag ngumingiti sya. Nakakahawa ang ngiti nya. Hay. Yun lang. Binida ko lang si JR. Nakukyutan lang talaga ako sa kanya. Sige. Dito na lang. c= God bless.
Monday, January 18, 2010
RAINBOW.
Rainbow. Ang ganda talaga ng Rainbow. Nung araw na kinunan ko ito, nagulat talaga ako dahil may Rainbow. Minsan na lng kasi ako makakita ng Rainbow. Kaya pinicturan ko na. Ang ganda talaga.
Bakit kaya bihira na lang lumabas ang rainbow? Alam ko nung elementary ako halos every month nakakakita ako. Oo nga pala, naalala ko din nung may Hiraya Manawari pa. May isang istorya dun na about sa Rainbow. Sinundan ng mga bata yung rainbow hanggang sa makapunta sila sa dulo nito. Di ko makalimutan yun. Hay. Teka, lumalayo na naman ako sa dapat na topic ko sa post na ito. Siguro malawak lang talaga ang imahinasyon ko at madaldal lang talaga ako. Hahaha. Gusto ko na din kasing dumami ang post ko. Kaya kung ano na lang maisip kong isulat basta ma-post ko lang ito. Sige. Dito na lang. God bless. c=
FAILED.. =c
Nagtataka siguro kayo kung ano ito? haha. Araw yan. Balak ko sanang kunan yung Eclipse nung last week. Pero di sya naging successful. Siguro, di ko naisip na kailangan ng tamang Lens para kunan yun. Sayang talaga. Pero ok lang. Naaliw naman ako dito sa shot na ito. Kasi para syang star na kumukuti-kutitap. Teka, kwento ko muna sa inyo. Kasi ganito yun. Edi nalaman ko sa balita (TV PATROL) na magkaka-Eclipse. Excited na ko. Hanggang sa sobrang ka-excitedan ko napanaginipan ko pa yung Eclipse na yun. Nakunan ko daw yung Eclipse ng maayos. At sobrang saya ko kasi nakunan ko. Biglang, nagising ako. Panaginip lang pala. At nung araw na talaga ng Eclipse, di ko pa alam yung exact time na magsisimula yung Eclipse. Kaya, tinanong ko muna sa mga kaibigan ko. Nag-group message ako para siguradong may sasagot sa tanong ko. After nun, may nagreply na 3 tao na nagsabi ng oras. Kung di ako nagkakamali sila ay sina ( Stella Sayco, Jhen Larrosa at Keye Dizon.) Kaya lang. Iba-iba sila ng sinabi. Kaya ako naman tong si excited, inabangan ko ang eclipse. Pasulyap-sulyap sa araw kahit walang pang-protekta sa mata. At nang makakita na ako ng shades eh tinitigan ko na ang araw. Una di ko pa masyadong mapansin. Pero after ilang minutes eh nahalata ko na din. Sa totoo lang manghang-mangha talaga ako. Lalo na, ako yung tipo ng taong madaling ma-amaze sa mga bagay na kamangha-mangha. (ano daw?) basta. Tulad na lng ng buwan at mga bituin sa langit. Ang ganda talaga. Hay, ang haba na ata ng sinabi ko. Hanggang dito na lang. Salamat sa pagbisita at pagbasa. God bless you all. Have a nice day. c=
Subscribe to:
Posts (Atom)